Monday, June 30, 2014

Nasaan ang Pag-ibig? Nasa Shaw Boulevard sa Mandaluyong

Sadyang mahirap hanapin ang Pag-ibig! Ang daming naghahanap nito. Ito pala ay makikita sa Shaw Blvd., Mandaluyong City. Doon mo mahahahanap ang tunay na Pag-ibig. Ako nga ay naligaw pa noong hinahanap ko ito. Nandito lang pala sa gusaling ito.


Kung kayo ay nakasasakyan madadaanan nyo ito kung kayo ay papunta ng SM Megamall galing Quiapo o Sta. Mesa. Dumadaan din dito ang Pasig-Quiapo na mga jeep at Quiapo-SM Megamall na FX. Pwedeng sunakay sa alinman sa dalawang byahe. Sabihin lang sa driver na bababa kayo sa Nissan o Hyundai Shaw Blvd. Magkakatabi lang ang mga ito. 



Ang Nissan o Hyundai showroom and palatandaan. Pagnakita nyo ito baba na kayo. Katabi ng Hyundai ang mataas na gusali kung saan nag-oopisina ang Pag-ibig Fund. 

Ang eksaktong address ay ito: 2/F JELP Bldg., Addition Hills, Shaw Blvd., Mandaluyong City. Kung kayo naman ay galing sa SM Megamall o Pasig, sakay lang ng jeep o FX papuntang quiapo at madadaanan nyo ito. Malapit lang ito sa SM Megamall. Siguro nasa gitna ng Megamall at Kalentong. Sana ya hindi kayo maligaw sa paghahanap ng Pag-ibig!



No comments:

Post a Comment